Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Coo target ginto

0 211

Puwersado ang 2019 Asian Junior BMX Championships king na si Patrick Coo na iuwi ang gintong medalya upang agad makapagtala ng kanyang kasaysayan na nakapagkuwalipika sa unang pagsabak lamang nito bilang isang elite athlete sa isasagawang kada apat na taong Tokyo Olympics.

Ang 19-anyos na si Coo, na isang bemedalled junior BMX rider, ay nahatak na irepresenta ang bansa sa gagawin na Olympic Qualifying Tournament na gaganapin Mayo 29-30 sa Columbia matapos na umayaw si Daniel Caluag na sumabak sa World Cup dahil sa trabaho nito bilang isa sa mga frontliner na nurse sa Amerika.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ang orihinal na plano para kay Coo ay nakatuon para sa Olympic slot sa 2024 Paris Games.

“Oprtunidad na ito kay Patrick sumabak sa World Cup para habang maaga ay exposed na siya agad sa ganitong mga qualifying events. He was supposed to be fielded in for the qualifiers of the Paris Olympics but since the opportunity presented itself, why not grab it,” sabi ni Philippine BMX racing coach Ednalyn Hualda. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.