Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Cook inalay sa ama ang titulo

0 248

Nagbagsakan ang confetti sa halos walang taong arena ng ESPN Wide World of Sports nang kumpletuhin ng Los Angeles Lakers ang 4-2 win laban sa Miami Heat para isara ang NBA Finals series noong Linggo.

Nagtuloy ang selebrasyon postgame sa locker room.

Sumakay na sa bus ang team paalis ng arena sa Orlando, Florida para bumalik ng hotel, may nakalimutan pala sa loob: si Quinn Cook.

Ano ‘yun home alone?

Kinailangan pang mag-comment ni Cook sa Instagram Live ni JR Smith para ipaalam na naiwan siya.

“Make a U-turn,” aniya. “Gotta walk back after I win a f***ing ring.”

Naka-1 minute, 23 seconds lang si Cook sa Finals, pero buong season hanggang restart sa bubble ay mahalaga rin ang kontribusyon niya sa paghulma ng 17th championship banner ng Lakers.

Si Smith, hindi naglaro sa Finals pero siya ang unang humipo sa Larry O’Brien Trophy, nakahubad pa ng pang-itaas.May isang ring na rin siya sa Cleveland kasama si LeBron James noong 2016.

Inialay ni Cook ang panalo sa namayapa niyang ama na dati rin daw Lakers fan.

“Pops we did it! Your li’l man got one with your mob!” tweet niya.

Champion din si Cook noong 2018 sa Golden State. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.