Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Cook sinibak, resto ng amo sinunog

0 267

Isang cook ang dinakip nang tangkain nitong sunugin kamakailan ang dati niyang pinapasukang restaurant sa Malolos, Bulacan.

Kinilala ang suspek na si Louie Mangabat.

Batay sa imbestigasyon ng mga awtoridad, natusta ang ilang bahagi ng restaurant matapos itong hagisan ni Mangabat ng bote na may apoy. Matapos ang tangkang panununog ay agad nang tumakas ang suspek sakay ng kanyang motorsiklo.

SM food to go Banner Ad

Nakilala naman ng sekyu ang suspek kaya mabilis itong nahuli.

Ayon sa naunang ulat, dating cook ng naturang kainan si Mangabat ngunit hindi na pinabalik ng trabaho ng mga amo nito dahil sa umano’y nalulong ito sa bisyo.

Nahaharap ngayon sa kasong arson ang suspek. (VAPA/Jun Borlongan)

Leave A Reply

Your email address will not be published.