Abante Tonite Interactive

Cook tinaga sa selos

By
9

Sugatan ang isang cook sa isang videoke bar makaraang pagtatagain ito ng selosong suspek na live-in partner ng babaeng kasamahan sa trabaho ng biktima sa Quezon City kahapon ng madaling-araw.

Kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa Far Eastern University (FEU) Hospital sa Fairview ang biktimang si Rex Canona­so, binata, ng Everlasting St., Brgy. Payatas ng nasa­bing lungsod.

Nakatakas naman ang suspek na si John Paul Raboga, 20, binata, at naninirahan sa Mascardo St., Brgy. Bagong Silangan, Quezon City.

Sa imbestigasyon ni SPO2 Mamerto Gorne Jr. ng Batasan Police Station 6, nangyari ang insidente dakong alas-2:30 ng madaling-araw sa Bamboo Video Bar sa IBP Road, Brgy. Payatas.

Sinasabing madalas tuksuhin ng biktima ang katrabahong girlfriend ng suspek. Nakarating ito sa kaalaman ng suspek at sumugod ito sa vi­deoke bar saka pinagtataga ng itak ang biktima habang nagluluto sa kusina.