Abante Tonite
Mabilis sa Balita

‘Cookies – mayaman’ ni Bea

0 335

“Kung may kutis-mayaman, mayroon ding cookies-mayaman!”

Sarap na sarap at satisfied sa malamang cookies ng young actress na si Bea Binene kaya’t ito ang reaksyon ng isang naka-order ng kanyang chunky chocolate chip cookies.

“Hindi tinipid sa ingredients at saka made with love,” ‘yan ang paniniyak ni Bea na natutong mag-bake sa tulong ng isang kaibigan sa USA. “Dati pinapadalhan nya ako ng baked goods nya tapos eventually tinuruan nya na ako.”

Lalo pang nahasa ang kanyang kaalaman nang pormal siyang mag-aral sa isang culinary school.

Sa pagbe-bake, hands on talaga si Bea. “I use milk and semi sweet chocolate for my choco chip cookies, and they’re baked with love and talagang fresh and homemade.”

Bukod sa chocolate chip cookies, gumagawa rin siya ng crinkles, cheese at ube cheese bars at chocolate cake.

Naghahanda rin siya para sa muling pagbubukas ng kanyang Mix & Brew coffee and tea shop sa food court ng SM Mega Mall sa EDSA Mandaluyong

“I used this quarantine to have a break, rest, discover K-dramas and BTS.” Pero mahirap din kay Bea na sarado ang entertainment industry.

“Siyempre malungkot kasi walang work. I miss working. Like other jobs, kapag walang trabaho, wala rin kaming earning. Malungkot para sa lahat dahil isa sa pinakamatinding natamaan ang entertainment industry. Pero iniisip ko na lang po na hindi pa nag-re-resume because they know it’s not safe yet. As far as I know, they’re trying to adapt na rin naman.”

In the meantime, baking muna ang hinaharap ni Bea, at talaga namang “delight in every bite.”

Pumunta lang sa kanyang Instagram account na @beabakes_ at mag-direct message (DM) para maka-order ng

Chocolate Chip Cookies na ₱420 isang box, Milky Cheese Bars na ₱225 per box af Ube Cheese Bars na ₱330 per box.

Leave A Reply

Your email address will not be published.