Abante Tonite Interactive

Cool Smahers perpekto; Valdez, Gumabao solido

0 336

Mga laro ngayon:
(FilOil Flying V Center)
4:00pm — Air Force vs Chef’s Classic
6:00pm — PetroGazz vs Motolite

KAPIT-BISIG sina volleyball superstar Alyssa Valdez at Michele Gumabao upang tulungan ang Creamline Cool Smashers na walisin sa tatlong set ang BaliPure Water Defenders, 25-8, 25-19, 25-14, sa ikalawang laro ng Premier Volleyball League Season 3 Open Conference kagabi sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City.

Hindi na pinatagal ng Cool Smashers ang laban upang ilista ang malinis na walong panalo sa first round eliminations.

Kumayod si former ‘Queen Eagle’ Valdez ng 18 points mula sa 14 attacks at apat na service aces para sa Creamline na nakatikim lang ng dalawang sets na talo sa first round.

Bukod kina Valdez at Gumabao, tumulong din sa opensa sina Jema Galanza at Risa Sato.

Nagtala si Galanza ng walong puntos habang lima ang kinana ni Gumabao.

Ipinaramdam agad ng Cool Smashers ang kanilang lakas sa first set matapos humarurot sa opensa sina Valdez at Gumabao.

Umiskor ng dalawang puntos si Gumabao sa first technical timeout bago kumana si Valdez para hawakan ang 16-5 sa second TTO at tumuloy na sa pagsilo ng panalo sa first frame.

Napalaban nang bahagya ang Cool Smashers sa second set pero naging matatag sina Valdez, Gumabao kasama si setter Jia Morado para mamuro sa third frame.

“I think it’s really important for us to be confident going into the second round kasi all the teams are starting to jell,” saad ni Morado. (Elech Dawa)