Abante Tonite Interactive

Cop killer bumulagta sa mga pulis-Cavite

By
11

Bulagta ang cop killer at itinuturing na numero uno sa listahan ng

Anti-Illegal Drugs Special Operation Task Force ng Cavite Police Provincial nang masabat ng mga tauhan ng pulisya sa Sitio Pintong Gubat, Brgy. Paliparan 3, Dasmariñas City, Cavite kahapon ng madaling-araw.

Batay sa nakalap na ulat ng Abante TONITE, dakong alas-3:30 ng mada­ling-araw nang makatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Dasmariñas City Police Station sa paglutang ng suspek na si Pamboy Pangotara y Adorable, 35-anyos, sa Sitio Pintong Gubat.

Agad na rumesponde ang mga pulis at naka-engkwentro ang suspek na hindi nagpahuli ng buhay.

Narekober sa tabi ng bangkay ni Pamboy isang .32 caliber pistol na kargado ng bala at plastic sachet ng shabu.

Bukod sa pagkakasangkot sa iligal na droga, sangkot din umano ang suspek sa serye ng pamamaril at pagnanakaw sa ilang lugar sa Dasmariñas City.

Itinuturo rin ito na isa sa pangunahing suspek sa pagpatay kay PO1 Jay Delos Santos, na natagpuang agnas at nakabalot sa carpet saka inabandona sa tani­man ng tubo sa Brgy. Paliparan 3 noong Disyembre 2012.