Abante Tonite Interactive

Cora mas yummy nang maging mommy

923

Matindi pa rin ang rehistro ng “Pinoy Big Brother” alumna na si Cora Waddell.

Sa kanyang Instragram post a couple of days ago, ipinasilip ng model/actress ang kanyang hot form sa suot niyang one piece orange swimsuit. Dito’y may kaunting pasilip siya sa singit, cleavage, at ng kanyang yummy butt.

Umaapaw pa rin sa hotness si Cora kahit isang ganap nang mommy. Ikinasal siya last year sa model/businessman na si Terence Lloyd na naka-base sa Australia. At noong February 14 this year naman nang dumating ang kanilang napaka-cute na baby na pinangalanan nilang Leila Celeste.

Sa taglay na alindog ng magandang Fil-Am actress, tiyak na may puwang pa rin siya sa mundo ng showbiz. Huling napanood siya sa pelikulang “Recipe For Love” with Christian Bables.

Si Cora ang tipo ng babae na kapag nakasalubong ng isang kalahi ni Adan ay tiyak na mapapalingon, at muling susundan ng tingin ang kariktan ng dalaga. Iba kasi ang alindog ni Cora, na kahit saang anggulo bistahan ay pak na pak at panalong-panalo talaga.

Sinong lalaki nga ba ang kayang tumanggi sa wow na wow na porma ng hot momma na ito?

Sa angking kariktan at matinding sex appeal ni Cora, siguradong mapapa-wow at luluwa ang mga mata ng sinumang barako. (Nonie Nicasio)