Abante Tonite Interactive

CORONA Ba-bye na ni Vice milyon ang view

1,293

NI: RONA RONDA

Patok ang music video na “Corona Ba-bye na” ni Vice Ganda. Umabot na sa milyon ang view nito sa kanyang Youtube channel.

Una itong lumabas ito nu’ng March 22 sa

Pantawid Ng Pag-ibig: At Home Together Concert ng ABS-CBN.

Maganda ang mensahe ng kanta dahil tungkol ito sa COVID-19 at kung paano ito maiiwasan. Kaya naman very timely ang awitin at may recall pa sa lyrics na “Ang bet naming korona, kay Pia lang at Catriona.”

Kaya naman hindi na pinalagpas ng Showtime hosts sa kanilang live show thru videocall sa It’s Showtime na masayaw ang bagong dance craze.

Tiyak na mas lolobo pa ang bilang ng views nito dahil bukod sa entertaining ay mayroon pa itong awareness.

Tonite – Wendys Inhouse Ad