Abante Tonite Interactive

Coronavirus ‘di hadlang sa kiss sabay hug ngayong V-Day

281

Sa panahong may mga kumakalat na sakit tulad ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), patuloy pa rin kaya ang pagpapakita ng pag-ibig para sa mga Pilipino?

Tinanong ng TONITE team ang ilang Pinoy kung pipiliin pa rin ba nilang halikan o yakapin ang kanilang mahal sa buhay ngayong Araw ng mga Puso sa kabila ng pagbabawal sa beso-beso at holding hands para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

“Oo naman hahalikan ko pa rin, siyempre ang pagmamahalan namin hanggang walang kamatayan ‘yun. Kahit pareho na ka­ming mamamatay dahil mahawa kami pareho,” ayon sa isang nakapanayam. Sabi pa ng isa, “Kung sasabihin mong natatakot ka… eh ‘di hindi totoo ‘yung ‘til death do us part, hindi mo mahal ‘yun ibig sabihin baka isa lang ang mahal mo sa kanya, baka financial lang or may gusto ka lang makuha sa kanya.” Ilan pa sa mga natanong ang payag pa rin sa kiss at pagyakap sa kanilang mga mahal dahil sa paniwalang hindi umano mahahawa ng COVID-19 dahil sinisiguro umano nilang wala silang ganitong sakit bago ito gawin.

Panoorin pa sa a­ming Youtube at mga social media account ang buong panayam.