Abante Tonite Interactive

Coronavirus galing sa paniki, ahas

1,319

Ang kinatatakutang coronavirus na nagmula sa Wuhan, China ay nakukuha umano sa mga paniki at ahas, base sa genetic analysis kung saan 17 katao na ang namamatay dahil dito.

Base sa mga teorya na isinagawa sa eksaminasyon ng ‘genome sequence’ na kinabibilangan ng mga gene, at deoxyribonucleic acid (DNA) sa naturang virus, lumilitaw na ang baktirya ay nakuha mula sa mga paniki.

“Bats being the native host of the Wuhan CoV (coronavirus) would be the logical and convenient reaso­ning, though it remains likely there was intermediate host(s) in the transmission cascade from bats to humans,” batay sa mga researcher mula sa ilang institusyon sa China.

Ang mga pag-aaral ay hindi espekulasyon at ito ay pinatunayan din ng Journal of Medical Virology kung saan ay sinabing kasama rin ang ahas sa dahilan ng nasabing virus.

“To search for (a) potential virus reservoir, we have carried out a comprehensive sequence analysis and comparison. Results from our analysis suggest that snake is the most probable wildlife animal reservoir,” batay sa research.

Sinabi naman ni Gao Fu, director ng Chinese Center for Disease Control and Prevention, ang virus ay mula sa ‘wild animals at the seafood market’ o sinasabing exotic food subalit ito ay nananatiling haka-haka pa lamang.

Ang mga sinasabing exotic food ay kinabibilangan ng mga fox, crocodile, wolf puppy, giant salamander, snake, rat, peacock, porcupine, camel meat at iba pa. Karamihan sa mga ‘exotic species’ ay ikinukunsidera umanong ‘delicacy’ sa China at iba pang Asian country. (Dolly Cabreza)