Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Coronavirus hospital sa Luneta patapos na

0 19

Inihayag ni Mayor Isko Moreno na matatapos na sa Biyernes ang COVID-19 field hospital na sinimulang ipagawa sa Maynila noong Abril 20.

Ayon kay Moreno, ito ang ika-pitong ospital para sa mga pasyenteng may COVID-19 at bubuksan kasabay ng 450th founding anniversary ng Maynila sa Hunyo 24.

Nabatid na ang 2.6 hektaryang pagamutan na may 344 bed capacity ay matatagpuan sa Burnham Green area sa Rizal Park o kilala rin bilang Luneta.

Maaaring dalhin dito ang mga pasyenteng mayroong mild at moderate case ng COVID-19. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.