Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Coronavirus infection dumarami sa GCQ – DOH

0 522

Ipinahayag ng Department of Health (DOH) na dumarami ang bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 infection sa ilang bahagi ng bansa matapos ilagay sa general community quarantine (GCQ) ang Metro Manila at maraming probinsya ngayong buwan.

Sa online briefing noong Biyernes, sinabi ni DOH Health Promotion and Communication Service director Dr. Beverly Ho na bagama’t sa Metro Manila at Region 7 pa rin ang pinakamataas na bilang ng mga bagong kaso ng COVID sa mga nakalipas na buwan, ilang rehiyon naman ang nakapagtala ng mga bagong kaso nito sa nakaraang 14 na araw.

“Lumalaki na din po ang mga kaso na nanggagaling sa ibang mga rehiyon. Makikita natin na tumataas ang kaso ng Region 8 dito,” ani Dr. Ho.

Subalit mababago aniya ito kung susundin lamang ng mga tao ang pagpapatupad ng mga health protocol laban sa COVID-19. (PNA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.