Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Coronavirus matagal epekto sa nakarekober

0 257

Iminungkahi ng isang medical expert sa gobyerno na pag-aralan din ang mga aksiyon para sa mga pasyenteng gumaling na sa COVID-19.

Sinabi ni Dr. John Wong ng health research institution na Epimetrics, napatunayan sa pag-aaral na 20-30% ng mga gumaling sa COVID-19 ay mayroon pa ring sintomas pagkatapos ng anim na buwan kaya dapat na tingnan ng gobyerno kung ano ang magagawa para dito.

“There is one issue that we have to address, it’s the new condition called long COVID, or long haulers. Not a lot is known yet about this condition, we don’t know what’s causing it and we still don’t have good effective treatments,” ani Dr. Wong.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Dapat din aniyan magkaroon ng after-care program ang gobyerno para sa mga gumaling sa COVID-19 upang hindi na muling tamaan ng nabanggit na virus.

Sinabi naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque na imumungkahi niya sa Department of Health (DOH) ang panukala dahil mayroong pag-aaral na nakakaranas ng depresyon ang mga nakarekober sa COVID-19.

“Siguro po sa susunod na IATF meeting imumungkahi ko po `yan bilang isang COVID survivor,” ani Roque. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.