Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Coronavirus positive maiispatan sa pawis

0 58

Maliban sa laway, maaari nang magpa-COVID test gamit lamang ang pawis.

Ilang mananaliksik sa Thailand ang nakaimbento umano ng COVID testing device kung saan pawis lamang ang kailangan para malaman kung may coronavirus o wala ang isang tao.

Ayon sa ulat, ang mga faculty member at estudyante ng Department of Chemistry, Faculty of Science sa Chulalongkorn University (DCFSCU) ang nakaimbento ng mabilis at madaling gamitin na portable sweat test device para sa COVID.

Nade-detect nito ang amoy sa pawis na sanhi ng bakterya. Tumatagal lamang ng 15 minuto bawat tao ang sample collection at ang resulta ay maaaring makuha sa loob ng 30 segundo.

Ginagamit na ngayon ang pawis test sa mga ginagawang community screening.

Batay umano ito sa matagumpay na “COVID-19 Sniffer Dogs” project, kung saan gumagamit ng mga sweat sniffer dog para ma-detect ang mga asymptomatic COVID-19 case sa komunidad.

Paliwanag ni Dr. Chadin Kulsing, assistant professor ng DCFSCU, gumamit sila ng mga sniffer dog para mag-test ng COVID sa mga komunidad. Kumuha sila ng sample mula sa natukoy ng aso na COVID positive at nagsaliksik tungkol sa mga specific substance na naamoy ng aso.

Mula sa mga nakuhang sample, natuklasan nila na ang mga COVID positive ay naglalabas ng kakaibang kemikal. Ito ang ginamit nila para makagawa ng device na makakapag-detect ng amoy na mula sa bakterya at lumalabas sa pawis ng mga pasyenteng may COVID.(Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.