Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Coronavirus sumirit sa halos 2K, Davao City nanguna

0 67

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng pinakamataas na bilang ng mga dinapuan ng COVID-19 makalipas ang holiday season base sa datos na inilabas alas-kuwatro ng hapon nitong Sabado, Enero 9.

Ayon sa DOH Case Bulletin No. 301, nasa 1,952 ang bagong kaso ng COVID sa bansa habang 291 ang bagong gumaling at 34 ang nadagdag sa mga nasawi.

Nasa 26,784 ang kabuuang bilang ng mga aktibong kaso samantalang 449,615 na ang gumaling habang umakyat naman sa 9,398 ang datos ng mga pumanaw sa virus.

SM food to go Banner Ad

Sa kabuuan, umakyat na sa 485,797 ang mga kaso ng COVID sa buong Pilipinas.

Sa datos ng DOH nitong Sabado, nanguna ang Davao City sa may pinakamaraming bagong kaso matapos makapagtala ng 143.

Kasunod ang Quezon City (98); Rizal (80); Cavite (77); at Bulacan (74).

Leave A Reply

Your email address will not be published.