Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Corporal inambus, 2 guro dinamay

0 134

LIMA- katao kabilang ang dalawang lisensyadong guro ang sugatan sa ambush ng hinihinalang rebelde sa Jiabong, Samar Miyerkules ng umaga, ayon sa pulis.

Sa report ng Samar Provincial Police Office, napag-alaman na ang patrol car na target ng Pinabacdao Municipal Police Station na minamaneho ni Police Cpl. Paul Jadlong, ang target sana ng ambush sa Maharlika Highway sa Barangay Tagbayaon ng nasabing lugar.

Papunta ang pulis sa Catbalogan City at tinatahak katabi ang isang passenger van nang may ilang mga armadong suspek ang namaril.

SM food to go Banner Ad

Sugatan ang pulis at nadamay ang apat pang biktima na sakay ng van kabilang ang dalawang guro.

Tinutugis na ng 2nd Samar Provincial Mobile Force Company (SPMFC) ang mga suspek.

Kinondena ng pulis ang ambush at pinaniniwalaang kagagawan ito ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA). (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.