Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Corporal minura: Kulong ka!

0 438

Sa kulungan bumagsak ang isang construction worker matapos murahin ang pulis na umaresto sa kanya dahil sa walang sout na face mask at walang sout na damit sa Valenzuela City, Sabado ng gabi.

Kinilala ang suspek na si Glenn Hidalgo, 31, construction worker, nakatira sa No. 38 C. Race Street, Barangay Lingunan ng nasabing lungsod.

Dakong alas-9:45 ng gabi, nagroronda si PCpl. Maverick Jake Perez ng Police Community Precinct (PCP) 5, sa kahabaan ng C. Race Street, Barangay Lingunan para sa mga residenteng lumalabas ng bahay, bilang derektiba ng lokal na pamahalaan ng Valenzuela na labanan ang pagkalat ng COVID-19.

Biglang lumabas sa kalsada si Hidalgo na walang sout na damit at wala ding face mask.

Dahil dito, nilapitan ni PCpl Perez ang suspek saka sinita, pero nagalit ang huli at nagwika ng “P………… ina mo! Bakit mo ako sasama sa ‘yo.!”

Sa pangyayaring iyon, binitbit ng pulis sa presinto si Hidalgo at kinasuhan ng resistance and disobedience to a person authority at paglabag sa mga city ordinance. (Orlan Linde)

Leave A Reply

Your email address will not be published.