Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Corporal positibo sa drug test

0 66

Isa pang pulis na nakabase sa Central Visayas region ang nagpositibo sa shabu matapos ang random drug test.

Kinilala ni Philippine National Police chief General Debold Sinas ang pulis na si Corporal Manuel Alconten Paez, nakatalaga sa Regional Police Recruitment Unit-7.

Ayon kay Sinas, isasailalim sa imbestigasyon at administrative proceedings ng PNP-Internal Affairs Service (IAS) ang nasabing pulis matapos magpositibo sa paggamit ng shabu ang urine specimen nito sa mandatory drug testing nitong Disyembre 17, 2020.

Sa opisyal na chemistry report, nabuking na may Methamphetamine HCL sa urine sample ni Paez.

Ayon kay Police Colonel Nora Camarao, Chief, PRS, ipinag-utos niya ang random drug test sa lahat ng kanyang tauhan nitong nakaraang Disyembre 17 base na rin sa kautusan ni chief PNP. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.