Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Corpuz sa coach nagpagupit

0 119

Kanya-kanya diskarte ang mga Philippine Basketball Association (PBA) player na nasa Bubble sa Clark Freeport and Special Economic Zone sa Angeles, Pampanga.

Nariyan ang may naglalaba ng sarili nilang mga damit, nagtitinda para makadiskarte sa loob at pati pagpapagupit ng buhok.

SM food to go Banner Ad

Si Alex Mallari ng Phoenix Super LPG napagdiskitahan ng teammates at tinabas ang long hair niya, ngayon nga ay mohawks na ang style niya. Ang ibang teams naman ay sa kanilang mga ball boy nagpapagupit.

Si Jackson Corpuz ng Magnolia Hotshots nakahanap ng barbero sa katauhan ng kanilang assistant coach na si Ramon ‘Mon’ Jose.

Sa pinaskil na video ni Corpuz sa kanyang IG nitong Biyernes, seryoso siyang sa inahitan sa ulo ni Jose. (Sarah Jireh Asido)

Leave A Reply

Your email address will not be published.