Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Coseteng haharurot sa Britain F4

0 175

Magtatala ng kasaysayan sa motorsports ng ‘Pinas si Eduardo Coseteng bilang unang Pinoy na kakarera sa isang F4 series sa Britain.

Nakatakdang maitala niya ang milestone nang kuning kasama ng Argenti Motorsport team na aarangkada sa 2021 F4 British Championship simula sa May 8-9.

Ito ay may basbas ng FIA (International Mobile Federation), ang world governing body sa motorsport.

“After some great years in karting, I’m excited to be making the move into single-seater racing for the first time this season. British F4 is a brilliant series and I’m looking forward to joining the grid,” lahad ni Coseteng sa FIAFormula4.com Martes.

SM food to go Banner Ad

Ang 17-anyos na driver ay anak ni legend Jody Coseteng.

Nagwagi ang batang Coseteng sa 2017 Asian Karting Open Championship (AKOC) junior title, 2018 AKOC’s Formula 125 at Senior X30 classes, at 2019 Macau International Kart Grand Prix.

Sa ipinakitang tikas sa preseason testing, kinukonsidera si Coseteng na isa sa mga dapat panoorin sa nalalapit na karera sa Thruxton Motorsport Centre sa Hampshire. (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.