Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Costelo sinalba Kapatagan

0 84

Nagsalansan si Ryan Costelo ng 19 points, 5 assists at 3 rebounds nang sorpresang tabunan ng Kapatagan ang Pagadian, 96-82, upang humirit ng do-or-die sa Chooks-To-Go 1st Pilipinas VisMin Super Cup 2020 Mindanao leg quarters sa Pagadian City Gymnasium Huwebes ng gabi.

Eight seeded lang ang Buffalo Braves na tinapos ang elims sa 2-6 win-loss record samantalang third seeded ang Explorers na nagposte ng 5-3 kaya tangan ang twice-to-beat advantage.

Bumakas ng 14 markers si Bernabe ‘Teytey’ Teodoro habang sina Jay-Ar Ng Sang at Marlon Monte may tig-10 puntos sa Pagadian na nanatilihing buhay sa semis sa knockout game ngayong alas-6:00 nang gabi.

Ang iskor:

Kapatagan 96 – Costelo 19, Teodoro 14, Inigo 11, Ng Sang 10, Alanes 10, Monte 10, Doroteo 9, Mandreza 4, Acain 4, Sollano 3, Siarot 2, Astrero 0, Incio 0, Tabaquero 0, Palma 0.

Pagadian 82 – Dechos 16, Guinitaran 15, Caballero 13, Serrano 9, Demigaya 6, Quilo 5, Benitez 5, Quimado 4, Villaver 3, Manalo 3, Pamaran 3, Saludsod 0, Helido 0, Bautista 0, Diva 0.

Quarters: 33-22, 52-44, 72-67, 96-82. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.