Abante Tonite Interactive

Costume ni Catriona sa museum dinumog

405

Libo-libong turista, estudyante at mga residente ang bumisita sa Legazpi City para masilayan sa Museo de Legazpi ang isa sa ginamit na national costume ni 2018 Miss Universe Catriona Gray.

Ginawa ang exhibit mula Enero 15 hanggang Pebrero 14.

Ayon kay City Museum Curator Darlito Perez, idinisplay nila ang costume na ginamit ni Catriona sa pre-pa­geant competition sa Thailand noong 2018 dahil isa itong Bicolana na mula sa Oas, Albay.

Pangalawa ay nasa likod daw ng national costume ni Catriona ang Cagsawa Ruins at Mayon Volcano kaya mahalaga sa Bicol ang nasabing costume. (Issa Santiago)