Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Cotabato, state of calamity sa cholera

0 33

Dalawang lugar sa Barangay Colongulo, Surallah, South Cotabato ang isinailalim sa state of calamity dahil sa cholera outbreak.

Batay sa report, ang nasabing lugar ay kinabibilangan ng Sitio Villa Ellaga at Sitio Basag.

Inilagay umano sa State of Calamity ang nasabing mga sitio nang pumalo na sa 60 pamilya ang naapektuhan ng nasabing sakit.

Nakumpirma ang cholera sa nasabing lugar batay na rin sa ginawang water sampling at rectal swab ng Municipal Health Office o MHO-Surallah sa mga nakaranas ng sintomas.

Lumitaw na dalawa sa tatlong pinagkukunan ng tubig ng mga residente ang nakitaan ng bakterya kaya kinapitan ng Cholera.

Leave A Reply

Your email address will not be published.