Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Councilor Belmonte sa mga private sectors: Tumulong sa pagpuksa vs COVID

0 155

Dahil sa nakakaalarmang muling paglobo ng kaso ng COVID-19, hinikayat ni Quezon City ang organisasyon ng mga pribadong sektor na makipagtulungan sa pamahalaan upang masawata ang pagkalat ng virus.

“Despite the fact that we have started the vaccination campaign nationwide, the numbers show that there is indeed a rising number of positive cases of COVID-19 in the city particularly. We cannot let our guard down especially now, and we have to work more closely with all sectors of the community to prevent the spread,” ayon kay Councilor Belmonte.

Ayon sa District 2 councilor, ang dalawang barangays sa lungsod na may pinakamataas na naitatalang kaso ng COVID-19 araw-araw ay ang Batasan Hills at Commonwealth mula February 28 hanggang March 6, base na rin sa OCTA Research.

Dahil dito, nanawagan si Belmonte, chairs ng Committee on Trade, Commerce, and Industry of the Quezon City Council, sa mga businesses at workplaces na rebyuhin at pagbuthin pa ang kanilang mga polisiya sa COVID-19 prevention, alinsunod sa regulasyon ng local government.

“Here in Quezon City, we are implementing a resolution to require all businesses to submit customer or crowd safety management plans along with their sales promotion permits to further strengthen the health protocols during sales activities,” ani Councilor Belmonte.

Batay sa resolution no. SP-8345-S-2020 na iniakda ni Councilor Belmonte, ang implementasyon ng polisiya ay mapipigilan ang pagsisiksikan o ‘possible crowding’ na siyang nagiging sanhi ng hawaan ng virus. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.