Abante Tonite Interactive

Counter Corona Game

320

Hindi maiwasan na sa panahon na tila naka-bartolina sa loob ng ng bawat bahay ang mga pamilya, na mag-isip ng mga paraan upang maaliw at maalis ang mahabang oras at panahon sa kapapahinga.

Kaya naman isang Lebanese-born comedian, si Bahij Kaddoura ang gumawa ng isang laro na katulad dating popular na Counter-Strike.

Pero ang kanyang mga armas at proteksiyon ay face masks, alcohol, personal protective equipment at iba pang disinfectants kontra sa kalaban na coronavirus disease pandemic.

Ipinakita ni Kaddoura ang video na ginaya sa klasikong multiplayer shooter kahitr ang kalaban niya ay kulay berde na mga virus at maruruming mga insekto.

Bitbit ang panlaban na dalawang alcohol spray, kabilang din sa armas ang mop na ginaya nito na shotgun at ang wipes bilang granada.

Idinagdag pa ni Kaddoura sa video ang klasikong tunog at sound effects ng Counter-Strike upang magbigay buhay sa dating kinagigiliwang laro.

Tulad sa ibang laro ay ma-wawiped put ang viruses at magwawagi ang mga counter-terrorist.

Ang video, na nakonsepto ng komedyanteng nakabase sa United Arab Emirates, ay kagaya sa nagaganap na lockdown sa halos 100 bansa.

Ito ay napanood na ng 6.5M sa Facebook at mayroon ng 142,000 share.

Nagpaalala naman si Kaddoura, na isa ring fitness influencer sa lahat na “Stay safe everybody! We will get through this together.”

Halos 2.6B tao na sa buong mundo ang kasalukuyang nasa work from home o stay-at-home order dahil sa panganib na bitibt ng nakamamatay na COVID-19.

Ang Italy ang nangunguna sa kasalukuyan sa bilang ng mga biktima ng virus.

Hindi naman naiwasan ng mga PBA players na sina Jean Marc Pingris, June Mar Fajardo at Kiefer Isaac Ravena kasama ang iba kapwa manlalaro na magsagawa ng tinaguriang Lockdown Games upang makapangalap ng pondo para sa mga itulong sa mga health worker.

Tonite – Wendys Inhouse Ad