Abante Tonite Interactive

Couple room binuksan sa mga Taal bakwit

260

Matapos ang ilang araw na ­pananatili sa mga evacuation center, ­magkakaroon na ng pribadong espasyo ang mga ­mag-asawang lumikas dahil sa ­pagsabog ng Bulkang Taal.

Dahil ito sa paglalaan ng Tagaytay City health office (TCHO) ng couple’s nest o mini-hotel sa mga ­mag-asawang bakwit.

Ayon sa TCHO, pangangailangan ito ng mga mag-asawa kaya dapat na ­mabigyan din ng prayoridad at serbisyo tulad ng mga breast-feeding area.

Sasailalim umano ang mag-asawa sa counseling hinggil sa family planning at maglalagy ng condom sa bawat silid.

Pero bago mabigyan ng permiso dadaan muna umano ang ­mag-asawa sa beripikasyon. Iiwan naman ang kanilang mga anak sa play area o sa mga ­kamag-anak.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizen. Ang ilan ay pumabor at sinabing talagang pa­ngangailangan ito ng mga ­bakwit, ­habang ang iba hindi bilib sa hakbang na ito ng lokal na pamahalaan ­dahil ­masyado pa umanong maaga para ­ikonsidera ito at dapat na unahin muna ang pangunahing pangangailangan ng mga evacuee tulad ng pagkain.

“Habang nagkukumahog ­magdonate ng damit at pagkain ‘yung iba, ito ang prayoridad ng Tagaytay LGU. Ano ­magdonate na rin kami ng lube at ­condom?” ayon sa isang Twitter user.

“’Basic Ned’ according to Abraham Maslow’s hierarchy of needs,” sabi pa ng isa.