Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Courier at processing service inilunsad sa Paranaque

0 342

Upang mapigil ang pagkalat ng COVID-19 virus inilunsad ng lokal na pamahalaan ng Paranaque ang`all-in-one’ technology delivery service para sa pickup, processing at delivery ng mga permit at lisensya.

Ayon kay Mayor Edwin Olivarez, gagamitin nila ang lahat ng makabagong teknolohiya at courier service para maiwasan ang physical at face to face transaction sa mga serbisyo publiko ngayong panahon ng pandemya.

“This is also part of its e-governance program to ease doing business with the local government,” pahayag ni Olivarez sa ginawang paglagda sa memorandum of agreement para sa Keri Delivery Inc. program na kauna-unahan sa mga local government unit sa bansa.

Tinawag na `all-in-one’ courier service, ang Keri application na tutulong para mapadali ang pagkakaloob nng makabagong `
customer experience ‘ sa kalunsuran.
Sa pamamagitan ng `full concierge service’ maiiwasan ang anumang physical transaction sa city hall . “This is part of our strategic measures in dealing with the current situation as we find innovative ways to better serve the public,” paliwanag ni Olivarez.

Kabilang sa nasabing serbisyo ang pag-pickup sa dokumento; transmittal sa kinauukulang opisina o departamento para sa processing; pagbabayad ng fees at charges via managers check at ang delivery ng inisyung permit o dokumento pabalik sa customer o kliyente, ayon pa kay Atty. Melanie Soriano- Malaya, Business Permit and Licensing Office chief

“The program covers all types of government transactions such as business permits, locational clearance, building permits, and other government-issued documents,” dagdag ni Malaya.

Ayon kay Alvin Villegas, Keri Delivery Inc. president, karapatan umano ng mga residente ng Paranaque na magkaroon ng dekalibreng serbisyo gamit ang Keri App na nakakatulong sa hindi lamang sa mga rider kundi mapanumbalik ang takbo ng negosyo sa Paranaque kahit may pandemya.
Nauna nang inilunsad ng lokal na gobyerno ang online appointment system at online business application na naglalayong mapasigla ang kalakaran ng negosyo nang hindi nasasakripisyo ang kaligtasan ng mamamayan sa pamamagitan nang pagpapairal ng mga health protocol.

Leave A Reply

Your email address will not be published.