Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Courier firm sa Maynila naabo

0 316

Tinupok ng apoy ang isang courier company sa Malate, Maynila umaga nitong Lunes at hindi pa mabatid ang kabuuang halaga ng mga package na naabo.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog dakong alas-6:44 ng umaga na umabot lamang sa unang alarma at idineklarang fire out bandang alas-8:34 ng umaga.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa imbestigasyon ng BFP, nagsimula umano ang apoy sa kaliwang bahagi ng unang palapag ng commercial building na pag-aari ng isang Atty. Jose Perez at inookupa ng Fly Speed Courier na matatagpuan sa

No. 2109 A. Mabini St, Barangay 701 Zone 77 sa District 5, Malate.

Sa pagtaya ng mga awtoridad, nasa P30,000 ang halaga ng mga napinsala subalit patuloy pa ang pag-iimbestiga sa insidente. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.