Abante Tonite Interactive

Courtside reporter hubo’t hubad matulog

1,134

Sadyang kakaiba hindi lamang ang kagandahan at kaseksihan nitong nakakaakit na courtside reporter.

Mapapalingon at talagang matutunaw sa kakatitig ng mga kalalakihan dahil sa hapit na hapit niyang pananamit na bumabagay sa kanyang kaakit-akit at malalambot na mga kurbada.

Bagay na bagay sa kanyang malaking hinaharap ang kurbada ng kanyang katawan na nahuhulmahan ng matambok nitong likuran.

Pero lingid sa lahat, ang magandang postura at pananamit ni courtside reporter na nakikita kapag nasa kanyang pag-uulat ay kabaliktaran mismo na hindi nito isinasagawa sa loob ng kanyang private room.

Mas paborito ni courtside reporter na mag-ikot sa loob ng kanyang kuwarto at magpahinga sa kanyang malambot na kama na walang kahit na anumang suot na damit.

Ayaw ni courtside reporter isuot kahit na ang dalawang pinakamaliit na huling bahagi ng kasuotang pambabae.

Kaya pala kailangan nito palagi na may pamaypay kapag nasa courtside reporting para siya nalalamigan. Ganern…