Abante Tonite Interactive

Cousins balik-aksyon sa West finals

520

Magandang balita sa Golden State Warriors, posibleng makalaro na si DeMarcus Cousins sa Western Conference finals.

Nasa sidelines na si Cousins nang kalusin ng Warriors ang Houston Rockets sa anim na laro para bumiyahe sa conference finale sa panlimang sunod na season. Wala rin sa larong ‘yun si Kevin Durant (strained right calf).

Napigil ang unang playoff appearance ni Cousins sa first round nang abutin ng quadriceps injury sa Game 2 loss ng Golden State sa Clippers.

Mula April 15, hindi na siya naglaro.

Nakumpirmang hindi na kailangan ng surgery, noong isang linggo ay sinabi ni Cousins na la­laro siya.

“Another reward for the victorious Warriors: League sources say that DeMarcus

Cousins – if he maintains his recent progress from a torn quad – is on course to make a return to make a return to the Warriors’ active roster during the Western Conference finals,” tweet ni Marc Stein ng The New York Times.

Sa 30 games ngayong season, nag-average si Cousins ng 16.3 points, 8.2 rebounds, 3.6 assists at 1.5 blocks sa 25.7 minutes.

Sa Miyerkoles na ulit lalaro ang Golden State, hinihintay ang mananaig sa Game 7 ng series ng Portland at Denver. (VE)