Abante Tonite Interactive

Cousins out, Howard in!

456

Kamakailan ay isang nakakalungkot na nabalita na ‘di pa man nagsisimula ang 74th National Basketball Association season ay nagtamo na si Los Angeles Lakers center DeMarcus Cousins ng ACL injury na nangyari sa isang pickup game.

Ngayon ngang injury si Cousins, binabalak ng Lakers na pabalikin at kunin muli si Dwight Howard.

Si Howard ay naglaro sa Lakers noong 2012-2013, taon kung saan isa sa sinasabing pinakanakadidismayang taon ng Lakers dahil kasama niya rito sina Steve Nash at Kobe B­ryant ngunit nilampaso ng San Antonio Spurs sa 1st round ng playoffs.

Si Howard ay pinahintulutan ng Memphis Grizzlies na makipag-usap sa Lakers.
Kasama sa pinagpipilian ng Lakers ay sina Marreese Speights at Joakim Noah.

Kung ako ang tatanungin, si Howard ang aking pipiliin. Unang-una, ‘di maayos ang samahan nina Lakers star LeBron James at Joakim Noah dahil lagi niya itong nakakainitan sa court. Skill wise naman ay ‘di matutumbasan ang kay Howard. Ang lamang lang ni Speights dito ay ang shooting.

Kung legit center lang ang hanap ng Lakers, huwag na silang magdalawang-isip kay Howard!
***
Tapos ng Anthony Davis blockbuster deal, balak din bang bitiwan ng New Orleans Pelicans si Lonzo Ball?

Umugong ang balita na gusto nilang tapikin ang serbisyo ni Washington Wizards Bradley Beal na ipapareho kay Jrue Holiday.

Sa ganda ng court vision ni Ball, at kung future lamang din ang iisipin, magandang duo ang Ball at Zion Williamson.

Ating abangan ang mga susunod na kabanata!
***
Kung kayo po ay mayroong reaksiyon o nais itanong, mag-email lamang po sa alecpaolo2016@gmail.com. Patuloy niyo rin pong suportahan ang online show ng Abante, ang Sportalakan, tuwing Martes alas-sais nang gabi sa Abante News Online. Maraming salamat po!