Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Cousins puwede sa Championship ring

0 110

Legit na tumanggap ng championship ring si DeMarcus Cousins kahit wala na sa roster ng Los Angeles Lakers na sumikwat ng korona sa Orlando bubble.

Pumirma si Boogie sa Lakers noong nakaraang offseason, nagka-injury ng August at hindi na napakinabangan.

Niligwak siya ng LA bago ang pandemic. Si Markieff Morris ang kumuha ng kanyang spot sa team at nakapag-deliver naman sa playoffs.

Sa kasagsagan ng buhos ng champagne sa locker room matapos palamigin ang Miami Heat sa Game 6 ng Finals nitong Linggo, nakipag-Facetime si Anthony Davis kay Cousins.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sina Boogie at AD ang dating Twin Towers ng New Orleans, kasama pa nga nila sa Pelicans si veteran Rajon Rondo. Nag-reunion ang tatlo sa LA.

Nauna si Cousins kay Davis na umalis mula New Orleans, napadpad ng Golden State. Pagkatapos ng 2018-19 season, na-trade sa Lakers si Davis.

Hindi lang sila nagsabay sa court na suot ang purple-and-gold.

Dahil halos makumpleto rin ni Cousins ang regular season bago nawala sa team, eligible siyang tumanggap ng ring. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.