Abante Tonite Interactive

Cousins starter agad pagsalang sa Warriors

346

Starter agad ni Coach Steve Kerr si DeMarcus Cousins sa debut ng All-Star center sa Golden State sa susunod na linggo.

Isang taon nagpahinga si Cousins matapos operahan ang torn left Achilles tendon.

Target ni Cousins na lumaro sa unang pagkakataon sa Warriors kontra Los Angeles Clippers sa Jan. 18. Ayon kay Kerr, depende sa kondisyon ng player ay posibleng mas maaga pa – laban sa dating team na New Orleans Pelicans na dadayo sa Oracle Arena sa Miyerkoles.

“That Clippers game is sort of the one we’ve targeted but we should give ourselves some leeway on either side, because we have to see how the next week goes,” pahayag ni Kerr. “I suppose it’s a possibility that it could be New Orleans, maybe there’s a possibility it’s whoever’s after the Clippers … Lakers. That’s the range that we’re looking at.”

Maganda na ang pinapakita ng big man sa mga scrimmage, handa na halos na bumalik sa laro.

Inabot ng injury si Cousins noong January at maagang natapos ang season sa Pelicans. Bago nawala ay naga-average ang center ng 25.2 points, 12.9 rebounds at 5.4 assists sa 48 games.

Aminado ang 28-anyos na si Cou­sins na hindi pa agad ganun kadominado ang laro sa unang salang, magpapakiramdaman pa sila ng apat pang All-Stars ng Warriors na sina Stephen Curry, Kevin Durant, Klay Thompson at Draymond Green.