Abante Tonite Interactive

Cover-up kay ‘Tisoy’ ibinabala

By
2,617

Nangangamba si Ba­yan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate na magkaroon ng cover-up sa pagkamatay ni Genesis ‘Tisoy’ Argoncillo na ina­resto ng Quezon City Police District (QCPD) sa isinagawang anti-tambay campaign at kalaunan ay binawian ng buhay.

Binanggit ng solon na base sa inisyal na pahayag ng QCPD si Tisoy ay natodas dahil nahirapan itong huminga.

Pero batay sa mga lumabas na larawan at resulta ng awtopsiya ay mayroon itong mga galos at pasa sa katawan.

Abante Hiring – IT dep

Nakasaad din umano ito sa death certificate ni Argoncillo.

Ayon naman kay Bayan Muna chairman at dating congressman Neri Colmenares, malungkot na reyalidad sa Pilipinas ang police brutality at pang-aabuso ng mga alagad ng batas.

Bunsod nito, gagawa ng hakbang ang grupo para maarmasan ng sapat na kaalaman ang mga mamamayan.

“It is in this light, that we in Bayan Muna will conduct ‘Know Your Rights Legal Clinics­’ in communities to teach residents their rights and prevent police abuse,” ani Colmenares.