Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Cover-up sa Dacera case sumingaw

0 251

Tinutulak ng ilang mambabatas ang imbestigasyon para sa umano’y mishandling ng Philippine National Police (PNP) sa kaso kaugnay ng pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera.

Giit ng Makabayan bloc sa PNP, “seems to be in an apparent rush to close the case and trumpet it as a New Year accomplishment, in a bid to save the institution’s tarnished and decaying image amid series of police brutality cases.”

Anila pa sa PNP, “It should stop using the case to rehabilitate its image if justice must be really served.”

Pinunto ng mga mambabatas ang pag-embalsamo kay Dacera bago ang pagsasagawa ng mas malalim na pagsusuri rito, kaya naman naging mahirap para sa medico-legal na makakalap ng resulta.

Sabi pa ni Gabriela Rep. Arlene Brosas, “Palpak Na palpak ‘ iyan na ang ibig sabihin ng PNP ngayon. Hindi pa kumpleto ang ebidensya, solved na raw. Wala pang warrant of arrest manhunt na agad.”

Una nang lumabas ang ulat na pinaembalsamo ni medico-legal officer Police Major Michael Sarmiento ang mga labi ni Dacera kahit pa walang permiso mula sa pamilya. Kaya naman naghain na ng reklamo ang abogado nila laban sa opisyal.

Ayon naman kay National Capital Region Police Office (NCRPO) acting chief Police Brigadier General Vicente Danao Jr., sinusuri na kung may kapabayaan sa ginawang imbestigasyon ng pulisya.

“In the absence of which, dahil late, dahil naembalsamo na, talagang may kakulangan ang pag-iimbestiga. ‘Yun ang tinitignan natin if there will be administrative lapses on that case and definitely may mananagot,” aniya.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nagpahayag din ng duda ang ilang mambabatas ng posibilidad na may koneksyon ang mga suspek sa mga miyembro ng PNP dahil sa bara-barang imbestigasyong ginawa sa kaso ni Dacera.

2M views ng laplapan kay Christine

Kaugnay naman ng kumalat na video ng halikan nila ni Dacera, pinagmalaki ni Rosales na umabot na ito sa higit 2 milyong views kasabay ng paggiit na unfair ang pinakitang video sa telebisyon dahil putol ang kuha ng CCTV.

“Hindi pinakita ‘yung buong kiss. Ang ginawa nila to alter na parang may something na nangyari pero in my Facebook account 2 point something million views na siya ngayon, I posted the whole scene … siya ‘yung nag-initiate ng kiss sa akin,” pahayag ni Rosales.

Abogado ng mga Dacera: Kahit bakla pwedeng mang-rape

Sa isang panayam, sinabi naman ng isang abogado ng pamilya Dacera na hindi balidong depensa ang pagiging miyembro ng LGBTQ, para sa kaso ng rape.

“In so far as we are concerned, the admission comes to nothing because again, I have to go back to the basics, sexual orientation is not one of the elements in proving the crime of rape. And sexual orientation or being a member of LGBTQ community is not a defense for rape,” ani Lawyer Jose Ledda III.

Dagdag niya, “One may assert, and one may even prove, and one may be saying homosexual but that does not discount that rape cannot be committed by that individual.” (Edwin Balasa/Aileen Taliping/Juliet de Loza-Cudia/Issa Santiago/Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.