Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Covid-19 at mga buto-buto

0 219

Tuloy tuloy pa din ang paghasik ng Covid 19 hindi lang sa bansa kundi sa buong mundo. Napakadami na at dumadami pa ang naapektuhan.

Sa mga nagkakasakit nito, iba’t ibang sintomas ang nararamdaman na kadalasan ay may kinalaman sa lagnat at hirap ng paghinga. Kaakibat na din ang pagtatae at nawawalan ng panlasa.

Ngunit ang isa pa sa idinadaing ay ang panghihina at pananakit ng katawan pati na ang mga kasukasuan.

Sa totoo lang, kahit hindi Covid19 ang maging karamdaman, nakakapanghina talaga ang may sakit. Hindi nagagawa ang normal at natural na gawain kaya mabilis mahapo at mapagod.

Ilang araw lang ng paghiga ay magbibigay ng panghihina at lakas sa muscles na magiging sanhi ng joint pains dahil pwersado ang kilos at galaw. ito ay sanhi ng misuse o nonuse atrophy. Panghihina at pangliliit ng muscles dahil sa hindi pagkilos at galaw dahil naman sa karamdaman.

Pero alam nyo ba na maaari din maapektuhan ang walang Covid19 o maski anong sakit dahil sa sitwasyon na dinala nito?

Sa isang taon nating pagkakalagay sa lockdown o quarantine, pinapaigting na manatili tayong lahat sa bahay at walang lalabas kung hindi talagang kinakailangan. Dahil dito, malaking bagay ang nangyayari sa ating buto.

Unang una ay hindi tayo masyadong nasisilayan ng araw, ang iba ay hindi talaga nakikita ng araw.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Dahil dito ay nawawala ang isang essential na bitamina, ang vitamin D. Sa araw natin ito nakukuha at ang metabolism sa atay na nagiging vitamin D3 na syang behikulo ng calcium para mapunta ito sa buto.

Ang Calcium ay nakukuha natin sa ating mga nakakain at naiinom na gatas at importanteng mapunta ito sa buto na nagmimistulang bangko nito na sya naman ginagamit ng buo nating katawan.

Mula sa pagkilos at paggalaw ng muscles, sa paghinga, pagtibok ng puso ay importante ito. Pati na din ang pagiisip natin at ang metabolism ng dugo ay nangangailangan ng calcium.

Ang vitamin D3 ang magdadala nito sa ating mag buto. Kaya kailangan maarawan kahit mga 15 hangang 30 minutos kada araw lamang.

Ang isa pang dahilan ay kalimitan, dahil hindi lumalabas ng bahay ay hindi rin masyadong nagkikilos. Karamihan ay nagiging batugan pa. Importante ang kilos at galaw dahil ang bawat hakbang natin ay nagpapaganda ng tubo ng bagong buto. Kaya’t kahit nasa loob ng bahay ay dapat magehersisyo. Maglalalakad, magkikikilos, maaaring kumuha ng mga videos sa internet ng mga ehersisyo na magagawa sa bahay.

Hindi dapat natin balewalain ang pagkilos at paggalaw pati na ang pagbibilad sa araw. Kung magkasakit, dahan-dahanin ang pagbalik nito paggaling at kung wala naman, huwag pabayaan manghina ang katawan.

Hanggang sa susunod! Keep healthy! Stay safe!

J. RYLAN G. FLORES, MD ay isang orthopaedic surgeon, nutrigenomics practitioner at DNA profiler, fellow ng International College of Surgeons at Philippine Academy of Medical Specialists. Siya ay matatagpuan sa De los Santos Medical Center. Speaker sa iba’t ibang talakayan (medical man at iba pa, dito at internasyonal). Isang personalidad sa pelikula, telebisyon, radio (mapapakinggan sa Kalusugan Kakabilib sa DWIZ882 tuwing lingo 11am-12nn) at Doc Rylan Facebook Live tuwing sabado 7pm. Sundan sa twitter@rylanflores, gamitin ang hashtag na #docquestion at Facebook sa Doc Rylan para sa mga komentaryo at katanungan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.