Abante Tonite
Mabilis sa Balita

COVID-19-positive sa PH 435K na

0 58

Riley Cea

Umakyat na sa 435,413 ang kabuuang bilang ng mga COVID-19 case sa Pilipinas, matapos maitala ang 1,061 bagong kaso ngayong Huwebes ng hapon.

Kabilang dito ang 27,642 aktibong kaso.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon din sa Department of Health (DOH) ngayong Disyembre 3, nadagdagan ng 10 ang bilang ng mga namatay habang may 328 pang gumaling mula sa naturang nakahahawang sakit.

Dahil dito, 399,325 na ang mga coronavirus survivor habang 8,446 na ang virus death toll sa ating bansa.

As of December 1, ayon sa DOH, may 5,494,000 katao nang na-test para sa COVID-19 sa bansa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.