Abante Tonite
Mabilis sa Balita

COVID-19 sumisipa, 8K nadagdag

0 277

Tumataas uli ang mga bagong kaso ng COVID-19 sa bansa kung pagbabatayan ang pinakahuling update ng Department of Health (DOH) nitong Biyernes ng hapon.

Base sa DOH COVID-19 Case Bulletin No. 440, may 8,748 na mga bagong kaso ang naitala hanggang kahapon na mas marami kumpara sa mga bagong gumaling na nasa 3,017 lamang.

Dahil sa mga bagong kaso, umabot na sa 1,209,154 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa bansa.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nasa 1,134,818 naman ang kabuuang gumaling habang umabot na sa 20,566 ang namatay matapos na makapagtala ng karagdagang 187 nasawi nitong Biyernes.

Umakyat naman sa lagpas 50,000 ang mga aktibong kaso ng COVID

Muling umakyat sa lagpas 53,770000 ang mga aktibong kaso ng COVID-19.

Ang naitala na 8,748 bagong kaso ay pinakamataas umano na daily count mula nang huling makapagtala ng mahigit 9,000 bagong kaso noong Mayo 1. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.