Abante Tonite
Mabilis sa Balita

COVID alert system ilalarga na nationwide

0 489

Simula Disyembre 1 ipatutupad na sa buong bansa ang COVID-19 alert system na unang pinairal sa National Capital Region (NCR).

“Pagdating po ng December 1, buong populasyon na po or buong areas of the country will be part of the shift in policy at mag-uumpisa na po tayo ng full implementation nito,” pahayag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa press briefing.

Inumpisahan ang pilot rollout sa Metro Manila ng COVID-19 alert system na may limang antas kasabay ng granular lockdown noong kalagitnaan ng Setyembre.

Ibinaba na ang NCR sa alert level 2 para mas makapagbukas ang mga negosyo matapos bumaba ang mga kaso ng COVID sa bansa.

“Nakita natin in NCR when we started off, it was effective. Nakita natin napababa ang kaso because of these different interventions at sinunod na ho natin ang ibang lugar. Ang aim po natin, mapalawak po natin ang implementasyon sa buong bansa by December 1,” ani Vergeire. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.