Abante Tonite
Mabilis sa Balita

COVID bahala si ‘Bantay’

0 126

Kamusta mga PETmalu,

May hayop na balita ako sa inyo!

Nagsimula na sa Helsinki, Finland ang trial ng Covid sniffer dogs! May apat na trained K9 na nagtatrabaho ngayon sa Helsinki airport. Sa tulong ng kanilang malakas na pang-amoy, nade-detect nila kung may coronavirus ang isang tao.

At ayon sa pangunahing researcher na si Prof. Anna Hielm-Björkman ng University of Helsinki, kayang amuyin ng mga K9 nila ang coronavirus sa tao, limang araw bago lumabas ang mga sintomas nito. “We come close to 100% sensitivity,” dagdag niya.

Kung ma-sustain ng mga aso ang “close to 100% sensitivity” magiging mas accurate sila kumpara sa RT-PCR swab test. Sa kasalukuyan, ang swab test ay ang gold standard ng Covid testing pero ang accuracy nito ay 95% – 97% lamang.

Kung ako po ang tatanungin, malaki ang faith ko sa mga aso dahil kung nakakaamoy sila ng bomba at bawal na drugs, pati na rin ang cancer, malaria at Parkinson’s disease… eh di chicken lang sa kanila ang coronavirus!

Ang isa pang kalamangan ng K9 ay naamoy agad nila ang presenya ng virus. Makukuha ang resulta sa loob ng sampung segundo! Ikumpara niyo iyan sa swab test na kailangan ng minimum of 24 hours bago makuha ang resulta.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon din sa mga awtoridad ng Helsinki airport, kailangan lang ng 10 – 100 molecules ng virus para ma-amoy ng aso ang presensya nito. Ang swab test naman ay nangangailangan ng 8 million molecules!

Ano ang proceso ng K9 Covid test?

Ipapahid ng pasahero ang isang wipe sa kanyang leeg. Dadalhin ang wipe sa hiwalay na booth, kung saan ilalagay ito sa isang isterilisadong lalagyan. I-sasama ito sa mga ibang lalagyan na may laman na control scents. Dito magsisimula ang sniff-test. Sa loob lamang ng ilang segundo makakapagbigay ng senyales ang aso kung aling wipe ang galing sa pasahero at kung ito ay positibo o negatibo para sa Covid.

Kapag positibo ang wipe, i-aabiso ang pasahero na kailangan niyang mag-swab test para masigurado na tama ang naamoy ng aso.

Ang kagandahan ng sistemang ito ay protektado silang lahat sa Covid dahil walang exposure ang mga handler at aso sa mga pasahero. Safety first, ika nga!

Isipin niyo lang ang matitipid na pera at oras sa tulong ng K9! Magiging mas-safe pa ang pagbiyahe sa eroplano!

Wish ko lang ay sana makita din ng gobyerno natin ang powers ng K9 laban sa Covid!

PAWsitively yours,

Leave A Reply

Your email address will not be published.