Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Covid bakuna 2nd round sa mga atleta

0 163

Inaprubahan na ng gobyerno ang COVID-19 vaccine second round para sa lahat ng national athletes bukod pa ang mga pa-31st Southeast Asian Games, ayon kay Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham Tolentino.

“This is another great news for our national athletes and for all of Philippine sports,” pahayag ng opisyal Lunes, tatlong araw matapos ang matagumpay na unang pagbabakuna sa Hanoi SEA Games-bound athletes nitong Biyernes sa Prince Hotel Manila.

Lagpas kalahati ng 730 SEAG players na nag-register sa bakuna ang nakatanggap ng first dose ng Sinovac habang ang ang ilang atletang mga hindi naturukan kundi nasa probinsya ay mga nasa abroad.

“This next round of vaccinations will also include those athletes and coaches who missed last Friday’s vaccination,” sey pa ni Tolentino, pinanapos na ihahayag ang petsa at lugar ng second round vaccine sa lalong madaling panahon. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.