Abante Tonite
Mabilis sa Balita

COVID bakuna danyos ipasagot sa insurance

0 47

Iminungkahi ni Senate President Vicente `Tito’ Sotto III na ipa-bidding sa mga insurance company ang indemnification o pagbabayad sa mga taong makakaranas ng side effect kapag naturukan ng bakuna laban sa COVID-19.

Kaugnay ito sa pinopormang batas ng Kongreso para sa hinihinging indemnification law ng mga pharmaceutical company bago sila magdeliber ng bakuna kontra COVID sa Pilipinas.

Ayon kay Sotto, aabutin ng kalahating bilyong piso ang isusuka ng gobyerno para sa indemnification fund upang makabili ng bakuna subalit puwedeng mapagaan ito kung ipapasok sa insurance.

“Puwede tayong magpa-bid sa insurance companies so hindi kailangan ang gobyerno ang sasagot baka mas maliit doon,” ani Sotto.

“Hindi kailangan gobyerno sumagot sa P500M. Puwede mga insurance. Kung ang gusto nating standby fund ay P500M may insurance company na papasok diyan P50M lang,” aniya pa.

SM food to go Banner Ad

Samantala, aminado si Sotto na nakakainip na talaga ang paghihintay sa pagdating ng mga bakuna subalit wala aniya sa gobyerno ang problema kundi nasa mga pharmaceutical company.

Ito’y dahil aniya sa hinihinging indemnification law ng mga pharmaceutical company bilang katiyakan na hindi sila ang mananagot kapag nagkaroon ng side effect sa mga tinurukan ng bakuna.

“May pharma na naniniguro, nanghihingi ng indemnification na sagutin ng bansa at hindi nila,” ani Sotto.

“So far `yong maaaring maging adverse effect, `yong malala, serious, ng kahit anong vaccine is 0.000500. In other words ang computation niyan kung 70M ang Pinoy na babakunahan, ang posibleng may adverse na malamang na maaaring mamatay o kung anuman, 350 lang. Posible ha, hindi pa sinasabi na baka,” dagdag pa ni Sotto.

Leave A Reply

Your email address will not be published.