Abante Tonite
Mabilis sa Balita

COVID bakuna huwag igaya sa Dengvaxia scare – VP Leni

0 213

Nanawagan si Vice President Leni Robredo na huwag igaya sa mga iresponsableng pananakot na katulad ng ginawa sa kaso ng Dengvaxia sakaling simulan na ang pagbabakuna sa bansa kontra COVID-19.

Sa kanyang lingguhang programa sa radyo na “Biserbisyong Leni”, inihayag ni Robredo na nagkaroon ng takot ang mga Pilipino sa pagbabakuna dahil na rin sa mga pinalaking kuwento kaugnay ng mga kontrobersiya sa Dengvaxia.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Hindi naman masamang mag-ingay, pero iyong pag-iingay, irresponsible. Parang iniimpluwensiyahan mo iyong pag-isip ng tao na iyong pagdesisyon niya maging mali…Sana sa COVID-19 hindi ganyan,” ani Robredo.

Inihalimbawa nito ang pag-aatubili aniya ng mga Pinoy sa bakuna kontra polio dahilan para bumalik ito.

Dahil umano sa mga iresponsableng pag-iingay sa Dengvaxia kaya naapektuhan din ang pagbabakuna sa iba pang sakit na katulad sa polio.

Leave A Reply

Your email address will not be published.