Abante Tonite
Mabilis sa Balita

COVID bakuna ibigay sa lahat – Duterte

0 132

Itinuturing ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang COVID-19 ang pinakamatinding hamon sa buong mundo matapos ang World War 2 kaya iginiit na dapat bigyan lahat ng bakuna.

Inihayag ito ng Pangulo sa kanyang kauna-unahang talumpati sa high level debate ng mga lider ng bansa sa buong mundo sa United Nations (UN) General Assembly (UNGA) nitong Miyerkoles ng madaling-araw (oras sa Pilipinas).

“The world is in the race to find a safe and effective vaccine. When the world finds that vaccine, access to it must not be denied nor withheld. It should be made available to all, rich and poor nations alike, as a matter of policy,” giit ng Pangulo.

Nakasalalay aniya ang kinabukasan ng buong mundo kung paano maharap at malabanan ang COVID-19 batay sa pagkakaisa at pagtutulungan ng bawat bansang kasapi ng UN.

Ipinagdiriwang ng UN ang pagkakatatag nito 75 taon na ang nakalipas. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.