Abante Tonite
Mabilis sa Balita

COVID bakuna mapapanis sa pork importation

0 262

Hindi makakayanan ang maayos na pag-iimbak sa mga darating na COVID-19 vaccine sa mga susunod na buwan kapag triniple ang importasyon ng karneng baboy na bibigyang diskuwento sa buwis, ayon kay Senadora Imee Marcos.

“Maaaring mauwi tayo sa sirang mga karne at sirang mga bakuna,” pangamba ng senadora.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Hindi pa nga alam ng National Task Force ang paglalagyan o ang tinatawag na cold chain facilities para sa paparating na mga bakuna, ngunit heto tayo ginagawa nating komplikado ang problema dahil sa planong triplehin ang minimum access volume (MAV) ng baboy,” dagdag pa nito.

Sabi ni Marcos, chair ng Senate committee on economic affairs, inilalagay ngayon ng Cold Chain Association of the Philippines sa 70% ang operating capacity nito ng kabuuang 400,000 metric tons na full capacity pero maaaring magkulang ito dahil sa tripling MAV ng baboy na maghihikayat ng pag-angkat ng mas maaring imported karneng baboy.

Giit niya, “Ang pinakamabisang solusyon sa pagtaas ng presyo ng karne ay hindi importasyon. Kundi direkta at mas malawak na pag-alalay ng gobyerno sa mga magbababoy,” ayon kay Marcos. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.