Abante Tonite
Mabilis sa Balita

COVID bakuna na 50% bisa aksaya ng pera – Senado

0 82

Para sa ilang senador, hindi umano katanggap-tanggap ang pahayag ng Department of Science and Technology (DOST) na papasa na ang 50% efficacy rate ng COVID-19 vaccine ng Sinovac Biotech ng China.

Ayon kay Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, sayang lang ang gagastusin sakaling bumili ang Pilipinas ng naturang bakuna, “That’s why the plan to get vaccines with only a 50% efficacy rate is totally unacceptable and a total waste of our funds and resources,” saad ni Zubiri.

“Thats means there’s a 50/50 chance of you getting Covid even after being vaccinated is a joke… Totally unacceptable period!!” aniya pa.

Ang naturang pahayag ng DOST ay base umano sa minimum requirement na itinakda ng World Health Organization.

Pinaalalahanan din ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang pamahalaan na unahin ang kaligtasan ng mga Pinoy. Aniya, kahit pa naabot ng bakuna ang tinakdang 50 percent efficacy, malayo pa rin ito kumpara sa mga ginawa ng Pfizer, Moderna, at AstraZeneca.

“I do not see how 50% efficacy can build public trust and confidence in vaccines. Sinovac should be more transparent with their data,” ani Drilon. (RP)

Leave A Reply

Your email address will not be published.