Abante Tonite
Mabilis sa Balita

COVID bakuna P200K sa mga 5-star hotel

0 79

Ni Nancy Carvajal

Talamak na ang bentahan ng smuggled Chinese bakuna sa bansa at ibinibenta ito hanggang P200,000 kada turok sa mga silid sa ilang kilalang 5-star hotel sa Metro Manila.

Ito ang ibinunyag ng isang state investigator sa ekslusibong panayam ng Politiko.Ph hinggil sa iligal na pagpasok sa bansa ng bakuna kontra COVID.

“Even before news of the Presidential Security Group came out, we are already monitoring a group that had been selling to select individuals as high as P200K,’’ ayon pa sa source pero tumangging magpabanggit ng pangalan dahil sa kawalan ng awtoridad na magsalita sa isyu.

Idinagdag pa ng source na natigalgal ang mga nasa likod ng iligal na pagbakuna sa kontrobersiyal na pagbakuna sa mga miyembro ng Presidential Security Group (PSG) kaya pansamantalang natigil ang operasyon.

“We learned they are administering the inoculations inside hotel rooms and buyers are strictly on recommendation basis,’’ayon pa sa ulat ng Politiko.Ph.

Kinumpirma rin ng source na ang ilang indibidwal ang kasalukuyang tinitiktikan kung papapaano naipuslit papasok ng bansa nang hindi nasisita sa airport ang mga bakuna kontra COVID.

“Due to the delicate condition of the cargo, there are certain arrangements needed for its entry here. The possibility of being in cahoots with some employees like the Bureau of Customs is very likely,” paliwanag pa ng source ng Politiko kung papaanong naipapasok sa bansa ang mga iligal na bakuna.

Samantala, nakatanggap na ang National Bureau of Investigation Special Action Unit ng direktiba mula kay Justice Secretary Menardo Guevarra na mag-imbestiga sa hindi awtorisadong paggamit ng COVID-19 vaccine.

Leave A Reply

Your email address will not be published.