Abante Tonite
Mabilis sa Balita

COVID `BAKUNA’ P50K kada turok

0 136

Binabantayan ngayon ng Food and Drug Administration (FDA) ang isang pasilidad sa Makati City dahil sa sumbong na nagbebenta umano at nagtuturok ng hindi rehistradong bakuna para sa COVID-19 kapalit ng malaking halaga.

Ang bakuna umano ay inilalabas sa pamamagitan ng Chinese ads subalit iginiit ng FDA na wala pang inaaprubahang bakuna laban sa COVID-19.

“Apparently, on the Internet eh mayroong mga advertisement tungkol sa vaccine para sa COVID that were being administered in some place in a building in Makati. And they were charging something like P50,000 per shot. Ang kung two shots, P100,000 ‘yung dalawang shot,” ayon naman kay dating Health Secretary Dr. Esperanza Cabral.

Bago ito, sinabi ni DFA Sec. General Dr. Eric Domingo na nakatanggap sila ng report hinggil sa umano’y pagbebenta ng bakuna sa COVID kaya agad na pinuntahan ang lugar para ma-check ito.

“We are continuously monitoring at mukhang mapapadalas ang ating inspeksiyon doon sa facility na iyon to make sure na hindi po nagbebenta o gumagamit at nag-aadminister ng unregistered na bakuna dito sa Pilipinas,” ani Domingo.

Kamakailan ay kumalat ang mensahe na pawang Chinese characters lang ang sulat at sinabing may available na bakuna kontra COVID-19 sa Centuria Medical Makati.

Agad naman itong itinanggi ng nabanggit na ospital at anila’y hindi totoo ang mga kumakalat na text message.

“There is no such COVID-19 vaccine available in our facility,” pagtutuwid ni Kristine Zoleta, marketing head ng Centuria Medical Makati.

“This is quite obvious also, the vaccine is not available anywhere in the world,” dagdag nito. (Aileen Taliping/Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.