Abante Tonite
Mabilis sa Balita

COVID bakuna, pagkain huwag pagsamahin

0 318

Pinagsabihan ng Department of Health (DOH) ang mga local government unit (LGU) na huwag isama ang mga COVID-19 vaccine sa mga pagkain sa storage.

Inihayag ito ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire matapos na makatanggap ng ulat na may ilang LGU na komontrata ng mga food supplier para sa pag-iimbak ng mga COVID-19 vaccine.

Ayon kay Vergeire, hindi ito bahagi ng protocol ng bansa sa tamang ‘handling’ ng mga bakuna.

“Sinabi na po natin na the vaccines should have a separate storage, it should not be mixed with food kung mayroon man tayo,” ani Vergeire sa isang online public briefing.

“Makikita natin baka ‘yong ibang local governments, dahil mayroon tayong 2 to 8 degrees lang na mga bakuna, baka naisasama sa mga pagkain sa refrigerator at hindi po ito tama,” dagdag pa ni Vergeire. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.